Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Nasan ka Guro?

NOBYEMBRE 29, 2013

               Ngayong araw na ito,wala ang aming guro,sa halip ay si G.Mixto ang nagbantay sa amin.BInigay niya sa amin ang gawaing iniatas sa amin ni Gng.Mixto at siya nagkuwento tungkol sa kahalagahan ng pag aaral. . ^_^

Huwebes, Nobyembre 28, 2013

Ang Teorya !

NOBYEMBRE 28, 2013

                Pinag aralan namin ang teoryang nakapaloob sa Sinag sa Karimlan at ito'y Dulang Pansuliranin dahil sinasabi dito sa teoryang ito ang mga suliraning panlipunan na natalaga sa akdang ito.Ginagamit dito ay ang Sosyolohikal sa mga ganitong uri ng akda.Nagbigay ang aming guro ng ilang mga katanungan tungkol sa Dulang Pansuliranin at nagkaroon kami ng pangkatan.

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

Alitan sa pagitan ng Mag Ama!

NOBYEMBRE 27, 2013

                Kami ay nagbalik aral tungkol sa antas ng wika.tinanong kami kung ano ang mga isyung panlipunan ang matatagpuan sa akdang Sinag sa Karimlan at nagkaroon kami ng pangkatan.Umikot ang aming pag uulat tungkol sa pagpapatawad ni Tony kay Mang Luis dahil si ay nakulong sa salang pagkakakulong.ipagpapatuloy ang aming talakayan bukas at pag aaralan din namin ang teoryang nakapaloob dito.

Martes, Nobyembre 26, 2013

PagnKatan!

NOBYEMBRE 26, 2013

                  Nag ulat ang bawat pangkat tungkol sa mga tauhan ng Sinag sa Karimlan.Nagtalakay rin kami tungkol sa Antas ng Wika.

Lunes, Nobyembre 25, 2013

BilanggoooooooooooooHHh!!!

NOBYEMBRE 25, 2013 

                 Ngayong araw na ito, nagtanong sa amin ang aming guro kung ano ang aming maiisip sa salitang Bilanggo.Naglahad din siya(guro) amin ng ibat- ibang uri ng pagkakakbilanggo tulad sa sakit ng Pag-ibig,sa masamang nakaraan o ang pagkabigo sa anumang problemang hinaharap.Tinanong di kami kung anu ang kaluhugan ng Sinag sa Karimlan.Sinabi ng aking mga kamag-aral na ito ay liwanag sa dilim ngunit kung ikaw mag-iisip pang malalim,ito ay nangangahulugang pag-asa sa kabila ng mga hirap.Pagkatapos ay nag ulat ang aming grupo(Pangkat 1) ang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar.Pagkatapos ng aming pag uulat ay itinama ang aming kamalian sa aming pag uulat at mas pinalawak pa ng aming guro ang pagpapaliwanag sa aming pag-uulat.binigyan ang bawat pangkat ng takda tungkol sa mga tauhan.

Biyernes, Nobyembre 22, 2013

IsloGan. . .

NOBYEMBRE 22, 2013 

                Ngayong araw na ito,pinasa namin ang aming takdang aralin na islogan tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos ay bumunot ang aming guro upang basahin ang aming mga ginawa.At nagtanong ang aming guro kung bakit ayaw pang magsumbong ni Saling sa pang aabuso at pangmamaltrato sa kanya ni Kabesang Tano.Nagpaskil din ang guro ng mga ilang katanungan at nagkaroon din kami ng pagsususlit.

Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Kabaliktaran ?!

NOBYEMBRE 21, 2013

               Ngayong araw na ito,nagbalik-aral kami tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos naman ay tinalakay din ang teoryang nakapaloob dito na Teoryang Dekonstruksyon.Sa teoryng ito,nagbabago ang pananaw at ideya ng tao kapag nalaman mo na ang tunay na kuwento nito.katulad na lamang nito na itinuturing na kriminal si Tata Selo at ang biktima naman ay si Kabesang Tano,ngunit kung susuriin ang ang pahayag sa akda,malalaman natin na si Tata Selo pala ang biktima at si Kabesang Tano naman ang kriminal.Binigyan kami ng takdang aralin na gumawa ng islogan patungkol sa paksa ng akda.Mabilis ang talakayan pagkat 35 mminutos lamana ang ibinigay sa aming guro.

Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Ang Huling Linya ~!

NOBYEMBRE 20, 2013

                     Nagbalik aral kami tungkol sa akdang Tata Selo ni Rogelio Sikat.Tinanong kami ng aming guro kung ano ang kahulugan ng huling linya na sinabi ni Tata Selo sa akda na kinuha na ang lahat sa kanya.Nagkaroon din kami ng pangkatan at ang huli ay ang pagtukoy kung bakit nga ba pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano.Yun ay dahilan ng panggahasa kay Saling na anak ni Tata Selo at iyon ay nalaman namin na ganun din ang ginawa sa ng alkalde sa kanya sa bandang huli.

Martes, Nobyembre 19, 2013

Pagtatanong Blues?!

NOBYEMBRE 19, 2013

                 NAgsimula ang araw namin ng pagtatanong sa kahulugan ng "Walang alipin kung walang paaalipin".Nagbahagi din ang aming guro ng mga bagong salita katulad ng Amba na Nangangahulugang Lolo at Popo naman ay Lola.Iniulat din ng Pangkat IV ang Tata Selo ni Rogelio Sikat sa pamamagitan ng pagsasadula nito at nagkaroon din kami ng Pangkatan.

Lunes, Nobyembre 18, 2013

Karapatan ko Karapatan mo

NOBYEMBRE 18, 2013

              Ipinagpatuloy ang hindi natapos na pag-uulat noong nakaraang biyernes.pagkatapos ay tinalakay naman namin ang karaptang pmabata na ibinigay ng United NAtion's Children's Fund.Tinanong naman kami ng aming guro na anong mga karapatang natamasa at ipinagkait ka Adong, pangunahing tauhan sa akda, at halos lahat ng karapatan ay ipinagkait sa kanya.Nagkaroon din kami ng gawain tungkol sa mga karapatang hindi naibibigay sa amin at mga karapatang aming inabuso

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Anu nga ba TalaGa??!

NOBYEMBRE 15, 2013

          Ngayong araw na ito, kami ay nagalik-aral tungkol sa Mabangis na Lungsod at ang teorya nito, ang Teoryang Naturalismo.Lalo pa namin itong nilinaw at ng aming guro ang nasabing teorya.Pagkatapos nito ay nagtanong ang aming guro kung namatay ba o hinimatay lang si Adong sa akda.Akala ko rin na hinimatay lang si Adong ngunit siya pala ay namatay.Nagkaroon din kami ng gawain at takdang aralin na magkaroon ng  kopyang karapatang pambata.

Huwebes, Nobyembre 14, 2013

NOBYEMBRE 14, 2013

NOBYEMBRE 14, 2013 
   
              Ngyong araw na ito,pinag-aralan namin ang teoryang Naturalismo na nakapaloob sa akdang Mabangis na Lungsod.Pagkatapos ay binigyan kami ng pangkatang gawain hinggil sa mga panutong nakaatas sa lahat ng mga grupo.Naging makabuluhan ang naging pag-uulat ng pangkat III ngunit ipinaglaban parin nila ito.Nagbigay ang aming guro ng takdang aralin na kung anu nga ba ang nangyari kay Adong sa kawakasan ng akda.

Miyerkules, Nobyembre 13, 2013

NOBYEMBRE 13, 2013

NOBYEMBRE 13, 2013

               Nahuli sa pagdating ng aming guro kaya't kakaunti na lamang ang natitirang oras para sa talakayan.Nagbigay ng pagususlit hinggil sa mga malalalim na parirala sa akdang Mabangis na Lungsod upang higita pa namin itong maunwaan at isa-isa namin itong ipinaliwanag ang maga nangyayari sa loob ng akda.Ipinaliwanag ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon na dyis sentimos lang ay napakahalga na noon.

Martes, Nobyembre 12, 2013

NOBYEMBRE 12, 2013

NOBYEMBRE 12, 2013 

                Ngayung araw na ito,nagtanong ang aming guro kung  sinu-sino nag nakapunta na sa Quiapo,Maynila at anu-ano ba ang ating makikita doon.Binigyan niya kami ng gawain at umalis siya saglit.Pagbalik niya ay iniwasto din namin ito agad  .Pagkatapos nyan ay iniulat ng pangkat III ang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg at iniakto ng kanilang dalawang mga kagrupo aang senaryo nina Adong at Bruno.

Lunes, Nobyembre 11, 2013

NOBYEMBRE 11, 2013

NOBYEMBRE 11, 2013 

               Ngayong araw na ito,iniwasto namin ang pagsusulit tungkol sa akdang Sa Pula Sa Puti.Pagkatapos ay iniwasto rin namin ang lathalain na tungkol sa pag-iwas sa pagsusugal at pinatakdang aralin sa amin ang akdang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg.

Biyernes, Nobyembre 8, 2013

Huwebes, Nobyembre 7, 2013

Nobyembre 07, 2013 

         Ngayong araw na ito, nagbalik -aral kami tungkol sa Sa Pula Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo at may pinagawang gawain sa amin na Lathalain o "Feature" na tungkol sa pag iwas at pagresolba ng mga problema laban sa PAGSUSUGAL. . . 

Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

NOBYEMBRE 06, 2013

NOBYEMBRE 06, 2013

          Ngayong araw na ito, aming tinalakay ang mga desisyong ginawa ng mga tauhan sa akdang Sa Pula Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo.Pagkatapos nito ay nagkaroon kami ng isang gawain patungkol sa mga desisyon katanggap tanggap ba o hindi at ito ay natapos naman kaagad subalit kasabay din nito ang mga nakakatawang mga biruan sa loob ng klase.

Martes, Nobyembre 5, 2013

NOBYEMBRE 05, 2013

NOBYEMBRE 05, 2013

               Ngyong araw na ito, binalikan namin ang akdang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo.Pagkatapos niyan  ay nagkaroon kami ng gawain tungkol sa mga matalinghagang salita sa akda at isa ring pangkatan ang kasunod tungkol sa mga desisyon ng bawat bawat isang tauhan sa akda sadyang napakasaya sa oras na ito . .  .. . :)))))))))))))))))))))))

Linggo, Nobyembre 3, 2013

NOBYEMBRE 04, 2013

NOBYEMBRE 04, 2013

               Ngayong araw na ito, muli naming binalikan ang akdang Banaag at Sikat at nagkaroon ng isang gawain patungkol dito.Pagkatapos nito, ay itinalakay ng Pangkat 2 ang Sa Pula , Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo at nagbigay si Gng. Mixto ng gawain ngunit wala na kamiong oras kaya't bukas namin ito itutuloy.