Martes, Disyembre 31, 2013

Bagong Taon :)

DISYEMBRE 31, 2013


                  Ngayong araw na ito ay nagising ako ng maaga at naligo ako agad.Kumain na muna ako bago pumunta sa Pagrai upang dun mag-update ng aking blog.Pagkauwi ko ng alas-5 ay hindi na ako lumabas hanggan sa maggabi at marami nang nagpapaputok.Pagkabisperas ng bagong taon ay nag ingay na kami gamit ay mga kutsara at tinidor sa la mesa.Pagkatapos ay kumain na kami at natulog kaming lahat.

Lunes, Disyembre 30, 2013

Puro tulog nlang ngayun.

DISYEMBRE 30, 2013


                        Ngayong na ito ay nagising ako ng maaga dahil aalis na ang tita at kailangan kong gumising upang hindi ako makaabala.Pero natulog ulit ako at nagising ako ulit ng tanghali.Kumain ako ng tanghalian at natulog na lang ako ulit.Hanggang maggabi ay tulog parin ako.Gumising ng alas-9 at kumain na ako ng hapunan at natulog ulit ako.

Biyernes, Disyembre 27, 2013

KAin Tulog LAro

DISYEMBRE 27, 2013


                       Ngayong araw na ito,ay ganun lang din ang nangyari sa araw na ito.Kumain ako ng tanghalian at naglaro buong araw pagkauwi ko ay natulog na ako agad.

Huwebes, Disyembre 26, 2013

Puno na Naman

DISYEMBRE 26, 2013


                   Ngayong araw na ito ay tanghali na ako gumising.Kumain muna ako bago pumunta sa comshop upang maglaro.Pagkatapos ay natulog muna ako sa bahay.Lumabas ako muli upang maglaro ngunit umuwi nna lang ako dahil puno na ang comshop.

Miyerkules, Disyembre 25, 2013

WaLa Lang

DISYEMBRE 25, 2013


                     Ngayong araw na ito ay ginising na ako agad ng aking mama dahil may pupunta na mga bisita.Nagbihis na ako agad at kumain at pagkatapos ay pumunta na ako sa comshop upang mag update ng aking blog.Pagkauwi ay natulog na lamang ako sa bahay.

Martes, Disyembre 24, 2013

PASKO NA NAMAN !

DISYEMBRE 24, 2013

                      Ngayong araw na ito ay nagising ako at naligo.Pagkatapos kong kumain ay nilaro ko muna ang laptop ng tita ko para makapaglibang.pagkatapos ay inihanda ang mga lulutuing pagkaing panghanda para sa pagdating ng Pasko.Nakatulog na ako at pagkagising ko ay alas-12 na kaya kumain na ako at natulog ulit.Hahah

Lunes, Disyembre 23, 2013

Laro LAng

DISYEMBRE 23, 2013 

                     Ngayong araw na ito ay wala namang iba sa araw na ito.Pagkatapos kong gumising ay kumain ako at pagkatapos ay naligo na ako.pagkatapos ay lumabas na ako at pumunta sa comshop upang maglaro.

Linggo, Disyembre 22, 2013

Bili Bili rin !

DISYEMBRE 22, 2013

                        Ngayong araw na ito ay bumili kami ng mga supply ng pagkain para sa Pasko at pagkatapos ay nanood lang ako ng telebisyon.Pagkaraan nito ay tinuloy ko ang mga takdang aralin at lumabas ako para gumala.

Sabado, Disyembre 21, 2013

Wala Lang ^_^

DISYEMBRE 21, 2013

                     Ngayong araw na ito ay wala akong ginawa kundi gumawa ng mga takda at kumain at matulog sa buong araw.

Biyernes, Disyembre 20, 2013

Normal Lang -_-

DISYEMBRE 20,2013

                   Ngayong Araw na ito, ay wala naman akong masyadong ginawa.Kumain ako ng tanghalian pagkagising ko at nanood ng telebisyon.pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa Pagrai at doon ako naglaro ng kompyuter.

Huwebes, Disyembre 19, 2013

Christmas Party Na !

DISYEMBRE 19, 2013 

                       Ngayon ay aming "Christmas Party".pagkadating ko sa silid ay ako pa lang ang nadito kaya lumabas muna ako.Pagkabalik ko ay marami-rami na kami.sinimulan ang party pagkadating ni Gng. Manlagnit.Naging katuwa- tuwa ang mga pangyayari at sumayaw ang aming grupo.Pagkatapos niyan ay kumain na akming lahat at maya-maya ay umuwi na kaming lahat.

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

Sayawan Na Ito :)

DISYEMBRE 18, 2013

                  Ngayong araw na ito ay wala kame sa klase dahil kami ay "excused" para sa gaganaping program na MAMBUGAN IDOL.

Martes, Disyembre 17, 2013

Presentasyon na . HAhahha ^_^

DISYEMBRE 17,2013


             Ngayong araw na ito,wala pa ang aming guro dahil may ginagawa siya.Kaya't nagpraktis kami ng aming ipepresenta.Nang dumating na ang aming guro kasama ang mga hurado,kami ay kinabahan kaya tinatagan na lamang ang aming loob.Naging katawa-tawa at naging maganda ang aming mga presentasyon.

Lunes, Disyembre 16, 2013

BuOd:ParaAn

DISYEMBRE 16, 2013


                  Ngayong araw na ito ay tinuruan kami ng aming guro kung ibuod ang isang akda.Pagkatapos nito ay umuwi na ako kasama sila Omandac,Moreno at iba pa.pagdating ko ay ginawa ko muna ang mga takdang aralin at pagkatapos ay pumunta na ako ng kompyuter shop para maglaro.

Biyernes, Disyembre 13, 2013

GAling mo Ma'am :)

DISYEMBRE 13, 2013


                    Nagkaroon kami ng gawain na gagawa kami ng sanaysay tungkol sa paano namin makakmit ang maing mga pangarap.Habang gumagawa ay tumutugtog ng gitara ang aming guro at napakagaling niyang maggitara.Pagkatapos ay ipinasa na namin ang aming mga ginawa.

Huwebes, Disyembre 12, 2013

DISYEMBRE 12, 2013


                Ngayong araw na ito ay nag ulat na ang bawat pangkat ng kanilang ginawa at naging maayos naman ang aming pag uulat. Pagkauwi ko ay ginawa ko na ang portfolio sa Matematika at pati narin ang kwaderno dito . Pagakatapos ay nag balik aral ako sa aming mga asignaturdahil magkakaroon kami ng pagsusulit sa Chemistry,English MAPEH at Math. 

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

DISYEMBRE 11, 2013


                    Ngayong araw na ito, ay nag ulat ang Pangkat III ng buong kuwento ng Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz.Pagkatapos ay pinaliawak pa ang buong kaisipan ng akda at nagkaroon kami ng pangakatan.PagKauwi ay natulog na lamang ako sa kwarto at pagkagising ko ay alas- 6 na at ginawa ko na ang mga takdang aralin sa iba't ibang asignatura.

Martes, Disyembre 10, 2013

DISYEMBRE 10, 2013


                        Ngayong araw na ito ay wala naman kaming ginawa kaya umuwi na kami ng maaga dahil may gaganaping program . Pagkatapos ay nag praktis ang grupo namin ng sayaw para sa program dahil kaarawan ng ang aming mahal na punong guro na si G.Rommel Beltran.

Lunes, Disyembre 9, 2013

Hahah :)

DISYEMBRE 09, 2013 


                     Pagakatapos ng klase ay umuwi na ako at ginawa ko na ang mga dapat gawin sa bahay at natulog muna ako saglit .Pagkagising ko ay alas-7 na at kumain ako ng hapunan bago pumunta kompyuter shop.Nagsangguni ako sa internet para sa aming mga takdang aralin  na ipapasa bukas .

Biyernes, Disyembre 6, 2013

NAKAkaGULAT na pangyayari ^_^

DISYEMBRE 06, 2013


                    Nagkaroon kami ng pagusulit sa MAPEH (Music,Arts,Physical Education and Health).Kami ay nabigla sa araw na iyon sapagkat hindi kami nasabihan ng aming guro at iyon pala ay snap exam.Sa oras naman ng A.P ay nagkaroon naman ng pagbigkas sa Preamble (Philippine Constitution) at pinakopya sa amin ang tungkol sa kasaysayan ng World War II.

Huwebes, Disyembre 5, 2013

gawa gAwa Din :)

DISYEMBRE 05, 2013


                    Ngayong araw na ito, ay iniulat na ng aking mga kamag- aral ang pangkatan na hindi natapos. At nagkaroon din kami ng gawain amit ang makulay na papel.

Miyerkules, Disyembre 4, 2013

KaTataWanan !! :)

DISYEMBRE 05, 2013


                  Ngayong araw na ito,ginawa na namin ang naiwang pangkatan na iniatas sa amin.Naging masaya ang pag uulat naming lahat ngunit ang aming grupo ang naging matamlay dahil na rin ay hindi kami naging handa sa pag uulat.nagbigay ang aming guro ng takdang aralin na magdala ng makulay na papel ngunit iyon ay sianbi namin kaya't un ang aming dadalhin.

Teoryang NAkapaloob :)

DISYEMBRE 04, 2013

            
                Ngayong araw na ito,ipinasa na namin ang aming takdang-aralin at bumunot ang aming guro upang tawagin at ipaliwanag ang ipinasang larawan.Pagkatapos niyan ay sinuri namin ang teoryang nakapaloob sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo at ito ay teoryang Feminismo.Ang toeryang Feminismo ay nakatuon tungkol sa mga kalakasan at kahinaan ng kababaihan.Pagkatapos ay nag-iwan ng takdang pangkatan na nakalagay sa kanya-kanyang makulay na papel.

Martes, Disyembre 3, 2013

Bakit NapaKAsaya NAmin??

DISYEMBRE 03, 2013


                  Ngayong araw na ito,nagpaskil ng mga babaeng naging sikat sa ibat- ibang larangan.Pagkatapos ay tinalakay na ang akdang Banyaga ni Liwayway Arceo,tungkol ito sa babaeng nagngangalang Fely na nangibang bansa upang sila'y guminhawa.Ngunit ,sa kanyang pagbalik ay nag-iba ang trato sa kanya ng kangyang mga kababayan at ng kanyang mga kamag anak lalo na si Nana Ibang.NAng aming suriin ang buong kwento, nagkaroon ng napakasayang pagsusuri dahil ang aming pagsusuri sa akda ay laging mali at sadyang hindi pa naming lubos na nauunawaan ang buong kuwento.nagpatakdang aralin ang aming guro na gumupit ng mga larawan ng mga babaeng naging tanyag sa kanya kayang larangan.

Lunes, Disyembre 2, 2013

ANu ba TalaGa??!!!

DISYEMBRE 02, 2013

                Sinimulan namin ang araw ngayon ng paglalarawan sa mga babaeng naging tanyag at ano ang kanilang mga magagandang katangian ng mga ito.Kasunod nito ang pagtalakay sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo.Naging miserable ang pagtalakay namin dahil hindi namin masyadong maintindihan ang nasabing akda ngunit nang dahil sa aking mga kaklase, ito ay aming naintindihan.

Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Nasan ka Guro?

NOBYEMBRE 29, 2013

               Ngayong araw na ito,wala ang aming guro,sa halip ay si G.Mixto ang nagbantay sa amin.BInigay niya sa amin ang gawaing iniatas sa amin ni Gng.Mixto at siya nagkuwento tungkol sa kahalagahan ng pag aaral. . ^_^

Huwebes, Nobyembre 28, 2013

Ang Teorya !

NOBYEMBRE 28, 2013

                Pinag aralan namin ang teoryang nakapaloob sa Sinag sa Karimlan at ito'y Dulang Pansuliranin dahil sinasabi dito sa teoryang ito ang mga suliraning panlipunan na natalaga sa akdang ito.Ginagamit dito ay ang Sosyolohikal sa mga ganitong uri ng akda.Nagbigay ang aming guro ng ilang mga katanungan tungkol sa Dulang Pansuliranin at nagkaroon kami ng pangkatan.

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

Alitan sa pagitan ng Mag Ama!

NOBYEMBRE 27, 2013

                Kami ay nagbalik aral tungkol sa antas ng wika.tinanong kami kung ano ang mga isyung panlipunan ang matatagpuan sa akdang Sinag sa Karimlan at nagkaroon kami ng pangkatan.Umikot ang aming pag uulat tungkol sa pagpapatawad ni Tony kay Mang Luis dahil si ay nakulong sa salang pagkakakulong.ipagpapatuloy ang aming talakayan bukas at pag aaralan din namin ang teoryang nakapaloob dito.

Martes, Nobyembre 26, 2013

PagnKatan!

NOBYEMBRE 26, 2013

                  Nag ulat ang bawat pangkat tungkol sa mga tauhan ng Sinag sa Karimlan.Nagtalakay rin kami tungkol sa Antas ng Wika.

Lunes, Nobyembre 25, 2013

BilanggoooooooooooooHHh!!!

NOBYEMBRE 25, 2013 

                 Ngayong araw na ito, nagtanong sa amin ang aming guro kung ano ang aming maiisip sa salitang Bilanggo.Naglahad din siya(guro) amin ng ibat- ibang uri ng pagkakakbilanggo tulad sa sakit ng Pag-ibig,sa masamang nakaraan o ang pagkabigo sa anumang problemang hinaharap.Tinanong di kami kung anu ang kaluhugan ng Sinag sa Karimlan.Sinabi ng aking mga kamag-aral na ito ay liwanag sa dilim ngunit kung ikaw mag-iisip pang malalim,ito ay nangangahulugang pag-asa sa kabila ng mga hirap.Pagkatapos ay nag ulat ang aming grupo(Pangkat 1) ang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar.Pagkatapos ng aming pag uulat ay itinama ang aming kamalian sa aming pag uulat at mas pinalawak pa ng aming guro ang pagpapaliwanag sa aming pag-uulat.binigyan ang bawat pangkat ng takda tungkol sa mga tauhan.

Biyernes, Nobyembre 22, 2013

IsloGan. . .

NOBYEMBRE 22, 2013 

                Ngayong araw na ito,pinasa namin ang aming takdang aralin na islogan tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos ay bumunot ang aming guro upang basahin ang aming mga ginawa.At nagtanong ang aming guro kung bakit ayaw pang magsumbong ni Saling sa pang aabuso at pangmamaltrato sa kanya ni Kabesang Tano.Nagpaskil din ang guro ng mga ilang katanungan at nagkaroon din kami ng pagsususlit.

Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Kabaliktaran ?!

NOBYEMBRE 21, 2013

               Ngayong araw na ito,nagbalik-aral kami tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos naman ay tinalakay din ang teoryang nakapaloob dito na Teoryang Dekonstruksyon.Sa teoryng ito,nagbabago ang pananaw at ideya ng tao kapag nalaman mo na ang tunay na kuwento nito.katulad na lamang nito na itinuturing na kriminal si Tata Selo at ang biktima naman ay si Kabesang Tano,ngunit kung susuriin ang ang pahayag sa akda,malalaman natin na si Tata Selo pala ang biktima at si Kabesang Tano naman ang kriminal.Binigyan kami ng takdang aralin na gumawa ng islogan patungkol sa paksa ng akda.Mabilis ang talakayan pagkat 35 mminutos lamana ang ibinigay sa aming guro.

Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Ang Huling Linya ~!

NOBYEMBRE 20, 2013

                     Nagbalik aral kami tungkol sa akdang Tata Selo ni Rogelio Sikat.Tinanong kami ng aming guro kung ano ang kahulugan ng huling linya na sinabi ni Tata Selo sa akda na kinuha na ang lahat sa kanya.Nagkaroon din kami ng pangkatan at ang huli ay ang pagtukoy kung bakit nga ba pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano.Yun ay dahilan ng panggahasa kay Saling na anak ni Tata Selo at iyon ay nalaman namin na ganun din ang ginawa sa ng alkalde sa kanya sa bandang huli.

Martes, Nobyembre 19, 2013

Pagtatanong Blues?!

NOBYEMBRE 19, 2013

                 NAgsimula ang araw namin ng pagtatanong sa kahulugan ng "Walang alipin kung walang paaalipin".Nagbahagi din ang aming guro ng mga bagong salita katulad ng Amba na Nangangahulugang Lolo at Popo naman ay Lola.Iniulat din ng Pangkat IV ang Tata Selo ni Rogelio Sikat sa pamamagitan ng pagsasadula nito at nagkaroon din kami ng Pangkatan.

Lunes, Nobyembre 18, 2013

Karapatan ko Karapatan mo

NOBYEMBRE 18, 2013

              Ipinagpatuloy ang hindi natapos na pag-uulat noong nakaraang biyernes.pagkatapos ay tinalakay naman namin ang karaptang pmabata na ibinigay ng United NAtion's Children's Fund.Tinanong naman kami ng aming guro na anong mga karapatang natamasa at ipinagkait ka Adong, pangunahing tauhan sa akda, at halos lahat ng karapatan ay ipinagkait sa kanya.Nagkaroon din kami ng gawain tungkol sa mga karapatang hindi naibibigay sa amin at mga karapatang aming inabuso

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Anu nga ba TalaGa??!

NOBYEMBRE 15, 2013

          Ngayong araw na ito, kami ay nagalik-aral tungkol sa Mabangis na Lungsod at ang teorya nito, ang Teoryang Naturalismo.Lalo pa namin itong nilinaw at ng aming guro ang nasabing teorya.Pagkatapos nito ay nagtanong ang aming guro kung namatay ba o hinimatay lang si Adong sa akda.Akala ko rin na hinimatay lang si Adong ngunit siya pala ay namatay.Nagkaroon din kami ng gawain at takdang aralin na magkaroon ng  kopyang karapatang pambata.

Huwebes, Nobyembre 14, 2013

NOBYEMBRE 14, 2013

NOBYEMBRE 14, 2013 
   
              Ngyong araw na ito,pinag-aralan namin ang teoryang Naturalismo na nakapaloob sa akdang Mabangis na Lungsod.Pagkatapos ay binigyan kami ng pangkatang gawain hinggil sa mga panutong nakaatas sa lahat ng mga grupo.Naging makabuluhan ang naging pag-uulat ng pangkat III ngunit ipinaglaban parin nila ito.Nagbigay ang aming guro ng takdang aralin na kung anu nga ba ang nangyari kay Adong sa kawakasan ng akda.

Miyerkules, Nobyembre 13, 2013

NOBYEMBRE 13, 2013

NOBYEMBRE 13, 2013

               Nahuli sa pagdating ng aming guro kaya't kakaunti na lamang ang natitirang oras para sa talakayan.Nagbigay ng pagususlit hinggil sa mga malalalim na parirala sa akdang Mabangis na Lungsod upang higita pa namin itong maunwaan at isa-isa namin itong ipinaliwanag ang maga nangyayari sa loob ng akda.Ipinaliwanag ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon na dyis sentimos lang ay napakahalga na noon.

Martes, Nobyembre 12, 2013

NOBYEMBRE 12, 2013

NOBYEMBRE 12, 2013 

                Ngayung araw na ito,nagtanong ang aming guro kung  sinu-sino nag nakapunta na sa Quiapo,Maynila at anu-ano ba ang ating makikita doon.Binigyan niya kami ng gawain at umalis siya saglit.Pagbalik niya ay iniwasto din namin ito agad  .Pagkatapos nyan ay iniulat ng pangkat III ang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg at iniakto ng kanilang dalawang mga kagrupo aang senaryo nina Adong at Bruno.

Lunes, Nobyembre 11, 2013

NOBYEMBRE 11, 2013

NOBYEMBRE 11, 2013 

               Ngayong araw na ito,iniwasto namin ang pagsusulit tungkol sa akdang Sa Pula Sa Puti.Pagkatapos ay iniwasto rin namin ang lathalain na tungkol sa pag-iwas sa pagsusugal at pinatakdang aralin sa amin ang akdang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg.

Biyernes, Nobyembre 8, 2013

Huwebes, Nobyembre 7, 2013

Nobyembre 07, 2013 

         Ngayong araw na ito, nagbalik -aral kami tungkol sa Sa Pula Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo at may pinagawang gawain sa amin na Lathalain o "Feature" na tungkol sa pag iwas at pagresolba ng mga problema laban sa PAGSUSUGAL. . . 

Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

NOBYEMBRE 06, 2013

NOBYEMBRE 06, 2013

          Ngayong araw na ito, aming tinalakay ang mga desisyong ginawa ng mga tauhan sa akdang Sa Pula Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo.Pagkatapos nito ay nagkaroon kami ng isang gawain patungkol sa mga desisyon katanggap tanggap ba o hindi at ito ay natapos naman kaagad subalit kasabay din nito ang mga nakakatawang mga biruan sa loob ng klase.

Martes, Nobyembre 5, 2013

NOBYEMBRE 05, 2013

NOBYEMBRE 05, 2013

               Ngyong araw na ito, binalikan namin ang akdang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo.Pagkatapos niyan  ay nagkaroon kami ng gawain tungkol sa mga matalinghagang salita sa akda at isa ring pangkatan ang kasunod tungkol sa mga desisyon ng bawat bawat isang tauhan sa akda sadyang napakasaya sa oras na ito . .  .. . :)))))))))))))))))))))))

Linggo, Nobyembre 3, 2013

NOBYEMBRE 04, 2013

NOBYEMBRE 04, 2013

               Ngayong araw na ito, muli naming binalikan ang akdang Banaag at Sikat at nagkaroon ng isang gawain patungkol dito.Pagkatapos nito, ay itinalakay ng Pangkat 2 ang Sa Pula , Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo at nagbigay si Gng. Mixto ng gawain ngunit wala na kamiong oras kaya't bukas namin ito itutuloy.

Biyernes, Oktubre 25, 2013

OKTUBRE 25, 2013

OKTUBRE 25, 2013

                 Ngayong araw na ito,tinalakay at sinagutan namin ang gawaing may kinalaman sa paghahambing kina Felipe/Delfin at Crisostomo Ibarra/Elias at nagkaroon ng masayang karansan ang aming guro na si Gng. MIxto dahil sa buong oras na tawanan at biruan :D

Huwebes, Oktubre 24, 2013

OKTUBRE 24, 2013

OKTUBRE 24, 2013

                 Ngayong araw na ito,tinapos namin ang pangkatang gawain tungkol sa akdang Banaag at Sikat.At pinagawa sa amin ang isang gawain sa paghahambing kina Felipe/Delfin at Crisostomo Ibarra/Elias ngunit hindi ito tinapos kaya't pinatakdang arlin sa amin ito.

Miyerkules, Oktubre 23, 2013

OKTUBRE 23, 2013

OKTUBRE 23, 2013
  

                 Ngayong araw na ito,tinalakay namin ang Banaag at Sikat at iniulat din namin ang pangkatang gawain na hindi natapos.Nagkaroon kami ng takdang araling magkaroon ng Buod ng Noli me Tangere at ang patungkol kay Crisostomo Ibarra at si Elias.

 Ang Natutunan:
  
                 Natutunan kong ang paghangad ng karapatan at makamit ito ay hindi hadlang kung ikaw ma'y mahirap o mayaman at bukod pa riyan,natutunan kong ipaglaban ang mga karapatan ko ng hindi gumagamit ng dahas sapagkat matutulad ka rin sa mga mayayamang "corrupt" na naging masama sa kanyang mga naninilbihan.

OKTUBRE 22, 2013

OKTUBRE 22, 2013
                   Ngayong araw na ito ay tinalakay namin ang tungkol sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos at tinalakay din ang tungkol kay Lope K. Santos at ang kanyang buhay manunulat.Nagkaroon kami ng pangkatang gawain tungkol dito ngunit nagkulang na sa oras at pinatakdang aralin na lamang ito.

OKTUBRE 21, 2013

OKTUBRE 21, 2013
           
                  Ipinagpatuloy namin ang akdang Ang Luha at pagkatapos ay ipinasa ang takdang aralin na liham na para sa magulang.At pina takdang aralin na magkaroon ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos.

Sabado, Oktubre 19, 2013

ANG LUHA ni RUFINO ALEJANDRO

Ang Luha
ni Rufino Alejandro




Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.

Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!

Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan."

Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!

Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan!

Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha…Dumaloy ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan. Nang yaring hirap ko't susun-susong sakit ay gumaan-gaan!



                                                                                                   SOURCE:INTERNET

ANG BUOD NG BANAAG AT SIKAT NI LOPE K. SANTOS



Buod ng Banaag at Sikatni Lope K. Santos


Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."


                                                                                                                source:internet

Biyernes, Oktubre 18, 2013

OKTUBRE 18, 2013

OKTUBRE 18, 2013
        
      Ngayong araw na ito , amin namang binalikan ang tungkol sa akdang Luha ni Rufino Alejandro. Kami ay nagkaroon ng gawain na kailangan naming makuha ang bisang(pangkaisipan o pangdamdamin) nais ipahayag sa gawain.
                     Ang natutunan ko mula sa akdang pinag-aralan na dapat sumuond sa mga payo at tuntunin ng mga magulang hangad lamang nila ang iyong kaligtasan.Nais nilang mapabuti ang iyong kinabukasan upang ang iyong buhay ay hindi mawala sa tuwid na landas.
                    Pagkatapos naming sagutan ang gawain,kami ay nagkaroon ng takdang aralin na magsulat ng liham para sa magulang tungkol sa paghingi ng patawad sa mga maling nagawa at pagkakasala at ito'y ibibigay sa mga magulang.

Huwebes, Oktubre 17, 2013

OKTUBRE 17, 2013

OKTUBRE 17, 2013(Huwebes)

Ngayong araw na ito ay wala si Gng. Mixto kaya ang lahat ay gumagawa ng kanilang mga takdang aralin sa mga ibang asignatura at ang iba naman ay nagdadaldalan sa kanilang mga upuan

Miyerkules, Oktubre 16, 2013

OKTUBRE 16, 2013

OKTUBRE 16, 2013(MIYERKULES)
                 Ngayon araw na ito, muli naming binalikan ang akdang Luha Ni: Rufino Alejandro at aming sinagutan ang ipinagawang gawain.
                 Ang natutunan ko sa akdang Luha ay ang "isiping mabuti ang kalalabasan ng iyong gagawin upang sa huli ay hindi magsisi sa anumang maaaring kinalabsan ng iyong pagdedesiyon".
                Pagkatapos niyan ay ibinigay sa amin ang listahan ng mga akdang aming tatalakayin sa mga susunod naming pagkikita.Ito'y ipapaimprenta sa oras na aming kakailanganin.

         

Lunes, Oktubre 14, 2013

OKTUBRE 14, 2013

OKTUBRE 14, 2013(Lunes)

                  Ngayong araw na ito,natapos na ang aming pagsusulit sa lahat ng aming mga asignatura.Kaya naman ay kami ay nagsimula muli ng panibagong aralin sa Filipino III.
                  Tinalakay namin ang tungkol sa tulang "Luha: ni Rufino Alejandro.Ito'y tungkol sa batang lalaking lumaki sa kanyang mga magulang ng maayos at may disiplina subalit nalihis ang kanyang landas nang hindi niya sundin iyon kaya't ng tumanda siya ay labi labis ang kangyang pagsisisi.Dahil diyan, kami ay naatasang gumawa ng buod ng tula sa pamamagitan ng talata.Pagkatapos niyon ay ipinasa na ang nasabing gawain at siya nagbigay ng takdang aralin na ipaimprenta ang nasabing tula.