Lunes, Enero 27, 2014

Bakit NagKaganoon?!!

ENERO 27, 2014


           Ngayong araw na ito ay sinimulan ang pagbunot ng aming guro sa mga magbabasa ng kani-kanilang mga gawang tula.Pagkatapos ay tinalakay namin ang pelikulang Ang Himala ni Ricky Lee at isa isa na kaming tinanong kung kami ba naniniwala sa isang himala.Pagkatapos ay nagkaproblema dahil niisa sa amin ay hindi tama ang aming nakuhang kopya kaya binasa nalamang na aming isang kaklase ang tamang kopya.  

Biyernes, Enero 24, 2014

Pagbabalik Aral !

ENERO 24, 2014


             Ngayong araw na ito ay nagbalik aral kami sa akdang Ang Kalupi ni Benjamin Pascual sa isang malikhaing pagbubuod at aming binuod ito sa pamamagitan ng paisa-isang pagatawag ng aming guro sa isa sa aking mga kaklase.Si Aling Marta ang aming pinagtuusan ng pansin sa akda dahil sa kanyang ipinakitang pag uugali at pananalita na kailangang naming alamin ang teoryang nakapaloob dito.Ito ay Teoryang Eksistensyalismo. At nagkaroon kami ng gawain na kailangan naming bigyang kahulugan ang nakapaskil sa pisara. 

Huwebes, Enero 23, 2014

Ang Gulo Ng Paliwanag Mo PRe ! ^_^

ENERO 23, 2014

             Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na ibinigay sa amin.Sa kasawiang palad ay mga madadaldal at magugulo ang pinag-ulat ng aming guro.Ang ibang grupo ay maganda naman ang kanilang pag-uulat at nakakuha kami ng 4 na palakpak.

Miyerkules, Enero 22, 2014

#Tiwala LAng ^_^

ENERO 22, 2014


            Ngayong araw na ito ay nagbalik-aral kami tungkol sa akdang "ANG KALUPI ni Benjamin Pascual".Pagkatapos ay itinuloy na ang hindi natapos na pangkatang gawain na ibinigay sa amin bilang takdang aralin.Ang aming grupo ay nakakuha ng 4 na palakpak.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na kailangang bigyan ng BANGHAY ang akdang Ang Kalupi.

Martes, Enero 21, 2014

Gawa ng Tula !

ENERO 21, 2014


            Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kailangan naming gumawa ng tula bilang isang pangkat at kailangan bawat kasapi ay tig- apat na taludtod at isang saknong upang mabuo ang sinasabing tula.Hindi namin ito natapos kaya pinapasa na lang ito pagkaapos ng klase at binigyan din kami ng takdan aralin na amgkaroon ng akdang ng ANG KALUPI ni Benjamin Pascual.

Biyernes, Enero 17, 2014

Ser . Bawi tayu GG . Hahah xD

ENERO 17, 2014

             Ngayong araw na ito ay wala si Gng. Mixto kaya ang nagbantay sa amin ngayun ay si G. Ferrer na nagtuturo sa Ikawalong Baitang.Pinagawa niya kami ng tula na naglalaman ng mga pandamdaming pahayag upang mas lalong gumanda pa ang tulang gagawin.

Huwebes, Enero 16, 2014

Salamat Aking Ina :)

ENERO 16, 2014


                Ngayong araw na ito,ay nagbalik aral kami tungkol sa "ANG PAMANA ni Jose Corazon De Jesus".pagkatapos ay nagkaroon kami ng gawain na gagawa ng liham upang ipahayag ang aming Pasasalamat,Paghingi ng Tawad at Pagparamdam ng Pagmamahal sa aming mga nanay.

Miyerkules, Enero 15, 2014

Mahal KOng Ina ^_^

ENERO 15, 2014


                Ngayong araw na ito, ay nagkaroon ng pangkatang gawain na kailangan magparamihan g mga awiting may kinalaman sa ina.Nabigo ang aming grupo sapagkat kakaunit at pare-parehas ang aming mga awitin.Pagkatapos nito ay tinalakay ang awiting " Sa Ugoy Ng Duyan".Pagkatapos ay Tinalakay din namin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa."Sa Bawat saraw na lumilipas ay dapat nating sulitin ang mga araw na kasama natin ang ating ina sapagkat hindi na natin maibabalik ang pagkakataong maramdaman natin ang kanilang presensya sa pamamagitan ng PAGMAMAHAL at PAG-AARUGA.

Martes, Enero 14, 2014

Talakayan LAmang !

ENERO 14, 2014


             Ngayong araw na ito,ay tinalakay namin ang tungkol sa akdang " ANG PAMANA" ni Jose Corazon de Jesus.Tinatalakay dito na isang bunsong anak ang naghihinagps dahil sa malapit nang mawala ang kanyang ina.Kaya hinati- hati na ng kanyang ina ang mga gamit na ipapamana ngunit nagsalita ang kanyang na hindi niya kailangan ng mga gamit dito sa bahay,kahit ipamigay na lamang niya ito sa ibang tao ay ang taning kailangan niya lamang ay ang pagmamahal at muling makasam kahit sa huling araw na magkasama silang mag-ina.

IKAAPAT NA MARKAHAN NA !!

ENERO 13, 2014


               Ngayong araw na ito ay sinimulan na ang IKAAPAT NA MARKAHAN.Ang aming unang tinalakay ay ang tungkol sa tulang " ANG PAMANA".Pagkatapos ay nagkaroon kami ng gawain na kaialangan naming ibigay ang aming mga reaksyon sa nasabing tula.Pinasa na namin at nagkaroon ng konting kuwentuhan.Pagkauwi ay inaantay ko pa ang aking kaklase upang may kasabay ako sa pag uwi.

Miyerkules, Enero 8, 2014

Eksam Na Sisiw daw ?

ENERO 09, 2013


              Ngayong araw na ito ay ngayon ang aming ikatlong markahang pagsusulit.Ang aming pagsusulit ay naglalaman ng MAPEH,ENGLISH,TLE at FILIPINO.

Aral Aral din

ENERO 08, 2014


                      Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa mga nakaraang pinag-aralan.Pagkatapos ay tinalakay sa amin ang ironiya ng buod ng Noli Me Tangere.Ang ironiya ay nagsasaad ng maling pananaw na dapat nating makita sa kanila ngunit kabaligtaran ito ng kanilang kaugalian katulad na lang na si Padre Damaso na isang pari pero taliwas sa propesyon,gumawgawa siya ng mga nakasasakit as kanyang kapwa gayong siya ay isang pare na hindi dapat ito ang kanyang ginagawa.Pagkauwi ay natulog muna ako at pagkagising ko ay nag rebyu na ako sa mga asignatura bilang paghahanda sa pagsusulit sa ikatlong markahan.

Martes, Enero 7, 2014

Tunggalian,simbolo at Ironiya

ENERO 07, 2014


              Ngayong araw na ito , tinalakay sa amin ang buod ng Noli Me Tangere at ang uri ng tunggalian,simbolismo at pati na rin ang ironiya.Isinaad sa uri ng tunggalian ay ang tao sa tao na kumakalaban sa kapwa niya,tao sa lipunan na kinakalaban niya ang grupo ng mga tao at ang tao sa sarili na kinkalaban niya ang pananaw at pag iisip ng kanyang sarili tungo sa mabuting desisyon.Sa simbolismo naman, ito ay tumutukoy sa mga sagisag na hindi natin agad malalaman ang kahulugan dahil it ay natatago.Pagkatapos naman ng klase ay umuwi na rin ako agad upang tapusin ang iba pang mga gagawin sa mga asignatura.

Lunes, Enero 6, 2014

Balik Eskwela na

ENERO 06, 2014 


               Ngayong araw na ito ay pasukan na.Gumawa kami ng liham tungkol sa sa aming karanasan na nangyari sa nakaraang taon (2013) at ano ang mga pagbabagong nais naming mangyari.Pagkauwi ay ginawa ko na ang mga requirements sa mga asignatura at pasahan na ito kinabukasan.At nakatulog na ako ng hating gabi.

Linggo, Enero 5, 2014

BUOD NG "IMPENG NEGRO" ni Rogelio Sikat




                                                            IMPENG NEGRO 
                                          ni Rogelio Sikat


                               Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim na taong gulang na si Impeng ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niya sa kanya.Baka mapaaway na naman siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging si Impeng lamang ang maputi sapagkat sina Kano,Boyet at DingDing ay mapuputi lalo na si Kano.Pag-alis niya ay isinuot niya ang kamisetang dati ay masikip ngayo'y maluwag na.
                         
                                Parating sinasabi ng kanyang ina na huwag na lamang pansinin si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang lugar.Laging tinatandaan ni Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niya
matagalan ang panlalait nito sa kanya.Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si Impeng.Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar.Di nagtagal ay tinanggap niya na lamang dahil yun naman talaga ang totoo.
                                Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila.Sa paglipas ng oras, ay nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa- igib sa kanya.Kahit naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong sapagkat sina Ogor at iba pa nitong kasama.Nang si Ogor naman ang iigib ay biglang siyang sumingit,dahilan iyan upang umuwi na lamang ngunit bigla siyang pinatid nito.Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni Impeng.
                                         Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mga balde.Nagtawanan ang mga tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat ni Impeng ang paa kaya't pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa ibabaw.Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina at sumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa kanya.Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang tibay,katatagan at kapangyarihan.Sa gitna ng sikat ng araw, siya'y naging sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay iba sa lahat.

Biyernes, Enero 3, 2014

Haha

ENERO 03, 2014


               Sa araw na ito ay kinuha ko na agad ang laptop dahil may kakausapin namin ang aking tito gamit ang facebook.Pagkatapos ay kumain na ako at naligo.Pero hindi na ako lumabas dahil waal naman akong gagawin nitong araw na ito.Kaya nasa upuan na lang ako at kumain na lang ng kumain sa harap ng telebisyon habang nanonood.

Huwebes, Enero 2, 2014

Hayyyssst

ENERO 02, 2014


               Ganun din ang nangyari sa araw na ito.Pagkagising ko ay kumain na muna ako at naligo na ako.Pagkatapos ay pumunta na ako ng comshop at para magupdate ng aking blog.Pagkauwi ko ay natulog na lang ako at pagkagising ko ay alas-10 na kaya't hindi na ako bumangon at natulog na lang ulit ako.

Miyerkules, Enero 1, 2014

Gnun lang din

ENERO 01, 2014 


                Wala naman akong ginawa nitong araw na ito.Kumain na muna ako at naligo bago lumabas sa bahay upang magkompyuter kasama ang aking mga kaklase.Pagkauwi namin ay dumaan muna ako sa palengke upang bumili ng mga materyales sa mga portfolio at pagdating ko sa bahay ay tulog na agad ako.