Miyerkules, Marso 12, 2014

REBYU # 2



SURING PANGPELIKULA : TRANSFORMERS


                        

                             Kapag naririnig natin ang salitang itoay pumapasok agad sa ating ang mga naglalakihan at nakakamanghang mga robot na nanggaling sa ibang dimension.Mga robot na tila ay isang laruan lamang para sa mga bata ngunit sa likod nito ay ipinakita ang nakakapanindig balahibong mga tungkulin at pakikipaglaban nito sa isa't isa.


                             Mula sa direksyon ni Michael Bay at ni Steven Spielberg na nakabase sa isang "SCIENCE FICTION".Ito ay kuwento ng batang si Sam Witwicky na ginampanan ni Shia Lebouf , ang may hawak ng isang "cube" na tinawag na AllSpark, isang bagay na kayang gawing mga robot ang mga makinarya dito sa Daigdig.Siya ay nadamay sa paglalaban ng mga mabuting Autobots at masamng Decepticon.Kailangan itong makuha ng Autobots upang matigil ang karahasan at pagkasira ng kanilang mundo.Sa kabilang banda , kailangan ng Decepticons upang makalikha ng isang malaking sandatahan ang lahat ng mga makina sa ating daigdig.Nagtapos ang paglalaban ng mapatay ni Optimus Prime ang pinuno ng Decepticons, si Megatron gamit ang Allspark.Dahil sa pagkasira ng Allspark ay hindi na maibabalik ang kanilang daigdig kaya't nanirahan sila sa mundo ng mga tao.

                            Ang pelikulang ito ay siguradong mahihiligan ng mga bata at maging ng mga matatanda dahil sa mga aral na kanilang makukuha at ang mga special effects ay talagang nakamamangha sa ating mga paningin.Ngunit ang pelikulang ito ay masyadong sensitibo kaya't kinakailangan ng patnubay ng magulang

REBYU # 1


SURING PANGPELIKULA: THE SPIDER MAN 3



                          "The Great Power Comes Great Responsibility",ito ang aking napakinggan at lubhang makahulugan sa lahat ng manunuod ang kasabihang ito.Kapag naririnig natin ang SPIDERMAN ay iisipin nating isa siyang bayani sa kanilang bansa at nagsisilbing inspirasyon ng mga mamayan.


                           Ito ay pelikula na dati ay isang komiks lamang ng MARVEL STUDIOS INC. sa direksyon ni Stan Lee.Ito ay tungkol sa isang teenager na si Peter Parker na ginampanan ni Andrew Garfield.Nakatuklas siya ng isang bagay na isang maitim at kakikilabot na anyo at bigla siyang kinapitan nito.Simula noon ay naging mas malakas siya at mas lalong lumiksi subalit kinokontrol siya nito na maging masama . Nakalaban niya ang SandMan at naging magkakampi sila ng humiwalay ang symbiote(itim na gelatin) at naghiganti ito kay Eddie Brock, isang film photographer.At sa bandang huli ay natalo nila ito ngunit namatay ang kaibigan niyang si harry osborn dahil sa kanyang ginawang paghiganti ni Peter.


                         Maganda itong panoorin ng mga manunuod lalo na sa mga bata dahil hindi lang sila matututo ng mga aral na makukuha dito ay mapapalawak pa nila ang kanilang imahinasyon at ang pagiging bata ay kanilang masisiyahan dahil sa mga special ffects na kanilang matutunghayan sa pelikulang ito.

Lunes, Enero 27, 2014

Bakit NagKaganoon?!!

ENERO 27, 2014


           Ngayong araw na ito ay sinimulan ang pagbunot ng aming guro sa mga magbabasa ng kani-kanilang mga gawang tula.Pagkatapos ay tinalakay namin ang pelikulang Ang Himala ni Ricky Lee at isa isa na kaming tinanong kung kami ba naniniwala sa isang himala.Pagkatapos ay nagkaproblema dahil niisa sa amin ay hindi tama ang aming nakuhang kopya kaya binasa nalamang na aming isang kaklase ang tamang kopya.  

Biyernes, Enero 24, 2014

Pagbabalik Aral !

ENERO 24, 2014


             Ngayong araw na ito ay nagbalik aral kami sa akdang Ang Kalupi ni Benjamin Pascual sa isang malikhaing pagbubuod at aming binuod ito sa pamamagitan ng paisa-isang pagatawag ng aming guro sa isa sa aking mga kaklase.Si Aling Marta ang aming pinagtuusan ng pansin sa akda dahil sa kanyang ipinakitang pag uugali at pananalita na kailangang naming alamin ang teoryang nakapaloob dito.Ito ay Teoryang Eksistensyalismo. At nagkaroon kami ng gawain na kailangan naming bigyang kahulugan ang nakapaskil sa pisara. 

Huwebes, Enero 23, 2014

Ang Gulo Ng Paliwanag Mo PRe ! ^_^

ENERO 23, 2014

             Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na ibinigay sa amin.Sa kasawiang palad ay mga madadaldal at magugulo ang pinag-ulat ng aming guro.Ang ibang grupo ay maganda naman ang kanilang pag-uulat at nakakuha kami ng 4 na palakpak.

Miyerkules, Enero 22, 2014

#Tiwala LAng ^_^

ENERO 22, 2014


            Ngayong araw na ito ay nagbalik-aral kami tungkol sa akdang "ANG KALUPI ni Benjamin Pascual".Pagkatapos ay itinuloy na ang hindi natapos na pangkatang gawain na ibinigay sa amin bilang takdang aralin.Ang aming grupo ay nakakuha ng 4 na palakpak.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na kailangang bigyan ng BANGHAY ang akdang Ang Kalupi.

Martes, Enero 21, 2014

Gawa ng Tula !

ENERO 21, 2014


            Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kailangan naming gumawa ng tula bilang isang pangkat at kailangan bawat kasapi ay tig- apat na taludtod at isang saknong upang mabuo ang sinasabing tula.Hindi namin ito natapos kaya pinapasa na lang ito pagkaapos ng klase at binigyan din kami ng takdan aralin na amgkaroon ng akdang ng ANG KALUPI ni Benjamin Pascual.