Miyerkules, Marso 12, 2014

REBYU # 2



SURING PANGPELIKULA : TRANSFORMERS


                        

                             Kapag naririnig natin ang salitang itoay pumapasok agad sa ating ang mga naglalakihan at nakakamanghang mga robot na nanggaling sa ibang dimension.Mga robot na tila ay isang laruan lamang para sa mga bata ngunit sa likod nito ay ipinakita ang nakakapanindig balahibong mga tungkulin at pakikipaglaban nito sa isa't isa.


                             Mula sa direksyon ni Michael Bay at ni Steven Spielberg na nakabase sa isang "SCIENCE FICTION".Ito ay kuwento ng batang si Sam Witwicky na ginampanan ni Shia Lebouf , ang may hawak ng isang "cube" na tinawag na AllSpark, isang bagay na kayang gawing mga robot ang mga makinarya dito sa Daigdig.Siya ay nadamay sa paglalaban ng mga mabuting Autobots at masamng Decepticon.Kailangan itong makuha ng Autobots upang matigil ang karahasan at pagkasira ng kanilang mundo.Sa kabilang banda , kailangan ng Decepticons upang makalikha ng isang malaking sandatahan ang lahat ng mga makina sa ating daigdig.Nagtapos ang paglalaban ng mapatay ni Optimus Prime ang pinuno ng Decepticons, si Megatron gamit ang Allspark.Dahil sa pagkasira ng Allspark ay hindi na maibabalik ang kanilang daigdig kaya't nanirahan sila sa mundo ng mga tao.

                            Ang pelikulang ito ay siguradong mahihiligan ng mga bata at maging ng mga matatanda dahil sa mga aral na kanilang makukuha at ang mga special effects ay talagang nakamamangha sa ating mga paningin.Ngunit ang pelikulang ito ay masyadong sensitibo kaya't kinakailangan ng patnubay ng magulang

REBYU # 1


SURING PANGPELIKULA: THE SPIDER MAN 3



                          "The Great Power Comes Great Responsibility",ito ang aking napakinggan at lubhang makahulugan sa lahat ng manunuod ang kasabihang ito.Kapag naririnig natin ang SPIDERMAN ay iisipin nating isa siyang bayani sa kanilang bansa at nagsisilbing inspirasyon ng mga mamayan.


                           Ito ay pelikula na dati ay isang komiks lamang ng MARVEL STUDIOS INC. sa direksyon ni Stan Lee.Ito ay tungkol sa isang teenager na si Peter Parker na ginampanan ni Andrew Garfield.Nakatuklas siya ng isang bagay na isang maitim at kakikilabot na anyo at bigla siyang kinapitan nito.Simula noon ay naging mas malakas siya at mas lalong lumiksi subalit kinokontrol siya nito na maging masama . Nakalaban niya ang SandMan at naging magkakampi sila ng humiwalay ang symbiote(itim na gelatin) at naghiganti ito kay Eddie Brock, isang film photographer.At sa bandang huli ay natalo nila ito ngunit namatay ang kaibigan niyang si harry osborn dahil sa kanyang ginawang paghiganti ni Peter.


                         Maganda itong panoorin ng mga manunuod lalo na sa mga bata dahil hindi lang sila matututo ng mga aral na makukuha dito ay mapapalawak pa nila ang kanilang imahinasyon at ang pagiging bata ay kanilang masisiyahan dahil sa mga special ffects na kanilang matutunghayan sa pelikulang ito.