Miyerkules, Marso 12, 2014

REBYU # 2



SURING PANGPELIKULA : TRANSFORMERS


                        

                             Kapag naririnig natin ang salitang itoay pumapasok agad sa ating ang mga naglalakihan at nakakamanghang mga robot na nanggaling sa ibang dimension.Mga robot na tila ay isang laruan lamang para sa mga bata ngunit sa likod nito ay ipinakita ang nakakapanindig balahibong mga tungkulin at pakikipaglaban nito sa isa't isa.


                             Mula sa direksyon ni Michael Bay at ni Steven Spielberg na nakabase sa isang "SCIENCE FICTION".Ito ay kuwento ng batang si Sam Witwicky na ginampanan ni Shia Lebouf , ang may hawak ng isang "cube" na tinawag na AllSpark, isang bagay na kayang gawing mga robot ang mga makinarya dito sa Daigdig.Siya ay nadamay sa paglalaban ng mga mabuting Autobots at masamng Decepticon.Kailangan itong makuha ng Autobots upang matigil ang karahasan at pagkasira ng kanilang mundo.Sa kabilang banda , kailangan ng Decepticons upang makalikha ng isang malaking sandatahan ang lahat ng mga makina sa ating daigdig.Nagtapos ang paglalaban ng mapatay ni Optimus Prime ang pinuno ng Decepticons, si Megatron gamit ang Allspark.Dahil sa pagkasira ng Allspark ay hindi na maibabalik ang kanilang daigdig kaya't nanirahan sila sa mundo ng mga tao.

                            Ang pelikulang ito ay siguradong mahihiligan ng mga bata at maging ng mga matatanda dahil sa mga aral na kanilang makukuha at ang mga special effects ay talagang nakamamangha sa ating mga paningin.Ngunit ang pelikulang ito ay masyadong sensitibo kaya't kinakailangan ng patnubay ng magulang

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento